Lunes, Setyembre 19, 2016


"PAGKAWALA"

                Bored ako at biglang pumasok sa isip kong magcompose ng blog kaya ngayon mababasa mo kung ano ang laman ng magulo kong mundo, ng aking pag-iisip.


                Sawi ako sa maraming bagay tulad ng mababang grades, kapos sa panustos sa pagkaing gusto ko at pambisyo noon, nalayo narin sa malalapit na kaibigan dahil don, naiwanan ng taong mahal ko, sawi na magiging close ko pa sya, dropped sa school at marami pa.
               Sawa narin ako sa mga sawing kaganapan sa buhay ko kaya naghanap ako ng paraan at dahilan para makabangon ulit at doon ko napagisip-isip na hindi lang pala ako ang nakakaranas ng mabibigat na problemang napagdaanan ko, at hindi lang ako ang tao sa mundo... nandito pa pala ang parents, mga kapatid at mga iilan kong kaibigang tunay  na hindi ako iniwan sa kabila ng magulo kong pagkatao. 
Sa bagay ako itong nagpagulo sa isip ko, paano ba naman kung masaksihan ng mismong mata mo ang mga bagay na hindi mo pa lubos maunawanan sa edad mo na yon, para kang pinipilit gisingin kahit wala ka pa sa kondisyon, ngunit nandyan nayan at wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang mga dinulot nyan sayo kaya move on. 
Naalala ko noong magkasama pa kami </3 Ang tawag ko noon sa pinagkikitaan naman is U.P. Ang ibig sabihin nun ay Unforgettable Place, Waiting shed sya sa tapat ng liblib na skul at parehas kaming first yr nun. 
Doon ko nalaman na masarap pala ang kiss lalo na kapag kusang dinampi ng taong minahal mo :( :( :(
Pagkatapos ng mahikling istorya namin nagwakas sa pangungusap na "Hindi ako marunong magmahal"
Nabuhay ako sa mundo ng pagmamalabis kung saan lahat ay dinadamdam ko ng sobra. Naging sensitibo na ako sa lahat ng bagay. mabilis akong mairita at mainis sa maliliit na bagay. hindi ko namalayan na napabayaan ko na pala yung mga taong mahahalaga at sumuporta sakin sa likod ng aking pagkasawi. 
At doon ako napasama sa mga tambay na ang hilig ay tumakas sa realidad, "hindi droga" dahil lumaki kaming tama, laging may tama sa cannabis, inom hanggang sa mawasalak, at usok ng sigarilyo na tila pumapawi sa tensyon at takot sa hindi pagtanggap ng lipunan sa habits namin, "Ang ilegal na halaman na galing sa kalikasan" Super dislike ng maledukadong masa na wala man lang pagsasaliksik at mababa ang lebel ng pangunawa sa mga ganitong usapin.
Im such a dope soul, gusto ko lang noon ay makivibe, sumabay sa agos, makibagay sa habits nila. hanggang pumasok sa isip kong hindi lang pala pagsasayang ng oras ang masarap balik-balikan sa mundo kundi makarating sa inaasahan mong maging ikaw sa darating na panahon. Panahon kung saan kaya mong tustusan ang pagkaing gusto mo, magsaya umaga't gabi kasama ang malalapit mong kaibigan, makasama ng buo ang iyong pamilya, makapagaral ng sarili mo na walang sagabal. Ganito sana ako kung gagawin ko :)
Sa lipunan kung saan maraming pwedeng pagsuutan kailangan mong pumili dahil wala kang matatapos. 
Ang buhay ay salik ng iba't ibang pagpipilian.